Labing limang tycoons mula sa Pilipinas, na pinapangunahan ni property magnate Manuel Villar ang napabilang sa World’s Richest People for 2025 ng Forbes Magazine.

Halos parehong pangalan ang pasok sa nasabing listahan, bagamat ito ay nabawasan ng isa mula sa 2024 roster na 16 local billionares na may networth na mahigit $ 1 billion.

Ang bago sa listahan ay si Eusebio Tanco, kung saan ang kanyang yaman ay mula sa online gaming firm na Digiplus Interactive Corp.

Nanguna si Villar sa listahan na may tinatayang networth na $17.2 billion.

Kamakailan, inanunsiyo ng “brown taipan” na ang Golden MV Holdings Inc., ang mass housing at memorial park developer na pinamumunuan ni Villar, ay halos maabot ang P1 trillion na net profit noong 2024 sa gains mula sa assessment ng kanyang investment properties, ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Pangalawa si sports at casino tycoon Enrique Razon, na may tinatayang yaman na $10.9 billion, habang pangatlo naman si
San Miguel Corp. chair Ramon Ang na may $3.7 billion net worth, at sinundan ni Lucio Tan na may $3 billion.

Narito ang 15 tycoons at kanilang tinatayang networth:

Manuel Villar, $17.2 billion
Enrique Razón Jr., $10.9 billion
Ramon Ang, $3.7 billion
Lucio Tan, $3 billion
Henry Sy Jr., $2.3 billion
Hans Sy, $2.2 billion
Herbert Sy, $2.1 billion
Harley Sy, $1.9 billion
Teresita Sy-Coson, $1.9 billion
Elizabeth Sy, $1.7 billion
Andrew Tan, $1.6 billion
Lucio Co, $1.4 billion
Susan Co, $ 1.3 billion
Tony Tan Caktiong, $1.3 billion
Eusebio Tanco, $1.2 billion

Samantala, inanunsiyo ng Forbes ang record-breaking 3,028 billionaires na may collective wealth na $16.1 trillion sa kanilang annual World’s Billionaires list.

Napataob ni Elon Musk ang French luxury goods titan na si Bernard Arnault sa unang puwesto, kung saan tumaas ng 75 percent ang kanyang estimated networth ay $342 billion.