
Nagtatago na ang 18 na umano’y dating mga miyembro ng Philippine Marine Corp, na nagsabi na nagdala sila ng malalaking cash sa isang personalidad at mga opisyal ng pamahalaan dahil sa banta umano sa kanilang seguridad.
Ito ang sinabi ni United People’s Initiative (UPI)Secretary General retired Captain Rey Valeros Jr.
Ayon sa kanya lahat ng 18 ay nakatanggap umano ng security threats.
Gayunman, hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye at nalalaman umano ng mga sinasabing dating Marines kung may banta sa kanilang buhay.
Matatandaan na inakusahan ni Atty. Levito Baligod at ng 18 ex-Marines ang maraming personalidad na tumanggap ng pera mula kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Nagsasagawa na ang National Bureau of Investigation ng imbestigasyon sa kredibilidad ng mga isiniwalat ng mga nasabing ex-marines.










