Inilunsad ng Department of Trade and Industry o DTI ang 1st Run ng Mobile Product Standard Showcase cum Diskwento.
Ipinaliwanag ni Atty. Cyrus Restauro, consumer protection division chief ng DTI Region 2, ang Mobile Product Standards Showcase ay inisyatiba ng tanggapan upang pataasin ang kaalaman ng mga consumer kung paano matukoy kung ang iprinisintang produkto sa ilalim ng mandatory certification ay ligtas, may magandang quality, at maayos itong gamitin.
ito ay para matiyak na protektado ang mga mamimili sa mga manlolokong mga negosyante.
Sinabi pa ni Restauro na ang Diskwento Caravan naman ay isa ring inisyatiba ng DTI katuwang ang manufacturers at distributors ng basic necessities at prime commodities.
Ayon sa kanya ang mga food products ay mas mababa sa kanilang suggested retail prices.
Ang Diskwento Caravan ay rolling store kung saan ay magbebenta ang mga manufacturers ng agricultural at manufactured basic at prime commodities diretso sa consumers.
Sinabi ni Restauro na kadalasang isinasagawa ng DTI ang iba’t ibang edition ng Diskwento Caravan tulad ng Regular, Balik-Eskwela, Noche Buena, at Disaster Edition.