
Nasagip ng mga awtoridad ang dalawang balyena na hiwalay na napadpad sa mga dalampasigan ng Aparri at Calayan, Cagayan noong Enero 21 at 22, 2026.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2, unang namataan ng mga residente ang isang nanghihinang balyena sa baybayin ng Barangay Bisagu, Aparri.
Agad namang rumesponde ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga volunteer at nagsagawa ng “supportive care.”
Kalaunan, dinala ang balyena sa Cagayan Valley Marine Technology Outreach Station sa Claveria para sa mas maayos na rehabilitasyon.
Ayon kay Dr. Jefferson Soriano, Focal Person for Marine Mammals ng BFAR Region 2, mahalagang mabigyan ng sapat na pahinga ang marine mammal upang maging stable ang paghinga at galaw nito.
Batay sa pagsusuri, ang balyena ay isang babaeng Pygmy Sperm Whale (Kogia breviceps) na may habang 240 sentimetro at tinatayang bigat na 150 kilo.
Samantala, isa pang balyena ang nasagip matapos ding mapadpad sa dalampasigan ng bayan ng Calayan kinabukasan.










