Tuguegarao City- Huli sa isinagawang buy bust operation ang isang High value target municipal listed drug personality sa bayan ng Lallo, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Junior Ariola, 34, negosyante at residente ng Brgy. Centro sa nasabing bayan.

Sa panayam kay Lowella Tomas, tagapagsalita ng PDEA Region 2, dati ng minomonitor ng mga otoridad ang iligal na gawain ni Ariola.

Sa kinasang operasyon ay nakuha sa pag-iingat nito ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang coinpurse.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Lallo si Ariola at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act partikular ng pag-iingat ng shabu.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, arestado rin sa pagbebenta ng droga ang isa pang Brgy. Kagawad na itinuturing na High Value Target individual sa bayan ng Claveria Cagayan.

Nakabili ang nagpanggap na buyer ng 3 sachet ng shabu kapalit ng P500 kay Rolly Simon, 38 at residente ng Brgy. Pinas.

Sinabi ni PMAJ Reymund Baggayan, hepe ng PNP Claveria na nakuha pa mula sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber 38 na baril.

Nabatid na si Simon ay nasa drug watch list ng mga otoridad at matagal ng minamanmanan sa kanyang iligal na gawain.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o pagbebenta ng shabu at RA 10591 o illegal possession of firearm.