
Nakatakdang makakagawa ng kauna-unahang locally manufactured electric vehicle sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at paglipat ng mga mamimili sa mas alternatibong transportasyon.
Planong simulan ang produksyon ng isang hybrid EV model sa isang planta sa Santa Rosa pagsapit ng kalagitnaan ng 2028. Kasama sa paghahanda ang pag-upgrade ng pasilidad, pagpapalawak ng lokal na supply chain, at paglikha ng mas maraming trabaho.
Suportado ang proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bahagi ng programang naglalayong hikayatin ang paggawa ng electric vehicles sa bansa.
Inaasahan ding magbubukas ito ng oportunidad para sa pag-export ng mga sasakyan at magpapalakas sa industriya ng automotive sa Pilipinas.
Sa kabila ng kakulangan sa charging infrastructure, patuloy ang paglaki ng demand sa electric vehicles, lalo na sa hybrid models na bumubuo sa malaking bahagi ng benta sa bansa.










