Photo credit: Baggao Information Office

Tuguegarao City- Sugatan ang dalawang indibidwal na sakay ng meat van ng LGU Baggao matapos bumaliktad bunsod ng pagkakabangga sa isang kongkretong poste sa Sitio Assao, Bitag Grande, Baggao.

Ang van ay ginagamit ng LGU Baggao upang magbiyahe ng mga karne mula sa slaughter house patungong palengke.

Sa panayam kay PCPL Jennie John Somera, imbestigador ng PNP Baggao, galing ng San Jose ang meat van na minaneho ni Vincent Marcelo kasama ang kanyang helper na si Marcial Mejia upang magdeliver ng mga karne.

Nasa bahagi na aniya sila ng isang maliit na tulay sa nasabing lugar nang makaidlip ang driver na naging sanhi upang mabangga nito ang barrier ng tulay at natumba.

Dahil sa insidente ay nagtamo ng sugat sa kanilang katawan ang dalawang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --