
Matagumpay na na-rescue ng isang grupo ng mangingisda ang dalawang pawikan na na-trap sa isang lambat sa karagatan ng Occidental Mindoro.
Ayon kay, Joveljay Mellapis,pauwi na siya at ang kanyang mga kaibigan mula sa pangingisda nang mapansin nila ang isang lambat na nakalutang sa dagat.
Agad nilang inalis ang mga pawikan sa lambat at pinakawalan pabalik sa dagat.
Ayon sa ulat, ang mga nailigtas na pawikan ay isang sea green turtle at isang hawksbill turtle, na pinaghihinalaan ni Mellapis na na-trap sa lambat na iniwan o itinapon ng isang malaking barko sa dagat.










