TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawang rider habang sugatan ang isang angkas matapos nagsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jaymar Gamayo, 28-anyos at ang backrider na si Dante Delfin, kapwa residente sa bayan ng Buguey.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Kervie Lorenzo ng PNP- Sta Teresita na binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Mission nang umagaw sa kanilang linya ang nasawing suspek na kinilalang si Fedymar Espinosa, 34 anyos at residente sa bayan ng Gonzaga.

Kapwa nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang dalawang driver matapos tumilapon sa kanilang motorsiklo habang galos sa katawan ang tinamo ng backrider.

Nabatid pa na kapwa nakainom ng nakalalasing na inumin ang dalawang driver ng mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --