
Umabot na sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon, narekober ang pinakahuling biktima bandang alas-4:12 ng madaling araw nitong Lunes sa Quadrant 2 at 31 ng pinangyarihan ng insidente.
Agad na nai-turnover sa City Health Office ang labi nito para sa proseso ng pagkakakilanlan at dokumentasyon o Disaster Victim Identification (DVI).
Sa kabuuan, 27 sa 47 biktima ang nailigtas na habang 8 naman ang pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue, retrieval, at clearing operations ng Unified Command sa gumuhong siyam na palapag na gusali, isang linggo matapos ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --










