Patay ang 20 katao at 164 ang nasugatan sa pagbagsak ng air force training jet ng Bangladesh sa college at school campus sa kabisera na Dhaka matapos na magkaroon ng technical problem ilang sandali matapos mag-take-off.
Sinabi ni Lieutenant Colonel Sami Ud Dowla Chowdhury, umalis ang F-7 jet kahapon ng hapon mula sa Bangladesh Air Force Base sa Kurmitola, Dhaka, bilang bahagi ng routine training mission, subalit nagkaroon ito ng mechanical failure.
Ayon kay Chowdhury, sinubukan ng piloto na ilihis ang aircraft palayo mula sa matataong lugar.
Subalit sa kanila ng kanyang pagsisikap, bumagsak ang aircraft sa dalawang palapag na gusali na pagmamay-ari ng Milestone School and College.
Kabilang sa mga nasawi ang piloto.
Ayon sa opisyal, bumuo na sila ng komite para magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
Ang FR-7 BGI ang huli at pinaka-advance na variant ng Chengdu J-7/F-7 aircraft family ng China.
Lumagda ang Bangladesh ng kontrata para sa pagbili ng 16 na aircraft noong 2011 at nakumpleto ang deliveries noong 2013.
Ang Chengdu F-7 ang license-built version ng Soviet MiG-21.