Dinala na sa Sablayan Penal Prison Farm sa Mindoro ang 200 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., sinamahan ang mga PDL ng mahigit 100 correction officers mula sa BuCor.

Kasama rin sa operasyon ang mga tauhan ng SWAT, PNP Muntinlupa, PNP Highway Patrol Group, Philippine Coast Guard, Port Police, at SLEX Security Team upang matiyak ang ligtas at maayos na paglipat.

Ang paglilipat ay bahagi ng patuloy na decongestion program ng New Bilibid Prison, kaugnay ng planong tuluyang pagsasara nito sa taong 2028.

Layunin din nitong suportahan ang agricultural manpower ng Sablayan Penal Farm para sa mga Institutional Project ng BuCor.

-- ADVERTISEMENT --