
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa The Netherlands na nasa Netherlands na ang kabuuang 21 crew members ng MV Hondius na naapektuhan ng hantavirus outbreak.
Noong Martes, sinalubong ni Philippine Ambassador J. Eduardo Malaya kasama ang mga opisyal ng Dutch health at foreign ministry ang panibagong batch ng 17 Pilipinong crew members, kabilang ang anim na kababaihan, sa Eindhoven Airport.
Ang grupo ang ikalawang batch ng evacuation flights na inayos ng pamahalaan ng Netherlands mula sa Tenerife sa Canary Islands ng Spain.
Noong Linggo naman, unang dumating sa Eindhoven ang apat na Pilipinong crew members mula sa naturang barko.
Patuloy na ipinatutupad ang mahigpit na health protocols para sa mga crew member na naapektuhan ng hantavirus outbreak sa MV Hondius.








