TUGUEGARAO CITY – Nananatiling stranded ang 22 pasahero sa pantalan sa Aparri,Cagayan dahil na rin sa gail warning.

Sinabi ni Rey Magbanua ng Philippine Coast Guard na noong Lunes pa nasa dormitory sa nabanggit na bayan ang mga nasabing pasahero matapos na manalasa ang bagyong Falcon.

Ayon kay Magbanua,hindi pa kasi pinapayagan ang mga bangka na maglayag dahil sa malalakas na alon sa dagat.

Ang mga nasabing pasahero ay papunta ng isla ng Calayan at Camiguin island.

Samantala, sinabi ni Magbanua na patuloy ang search ang rescue operation sa isang lalaki na naanod kahapon sa Pamplona, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Magbanua na tinangay ng agos ng tubig si Ernesto Aborilla,66 nang tinangka niyang tumawid sa ilog para umuwi na sa kanilang lugar sa Barangay Alasitan.