Patay ang 24 na katao matapos ang banggaan ng truck at bus sa north-east India.

Nangyari ang aksidente malapit sa Kaziranga National Park isang UNESCO World Heritage site.

Dinala naman ang mga sugatan sa Jorhat Medical College and Hospital.

Ayon kay rural development minister Atul Bora na ilan sa mga nasawing mga biktima ay college students.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.

-- ADVERTISEMENT --