TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang 25-anyos na lalaki matapos malunod sa bayan ng Baggao nitong nagdaang Biyernes Santo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya,nagtungo ang biktima na si Eric Manzano 25-anyos residente ng Brgy Mocag,Baggao kasama ang kanyang mga kaanak sa Duba Cave sa nasabing bayan para magpicnic.

Habang naliligo,nagulat na lamang ang kanyang pamilya ng hindi na mapansin ang biktima sa lugar.

Agad na nagtawag ng tulong ang pamilya ngunit nahanap na lamang ang bangkay ng biktima kinabukasan ,malapit din sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nangyari dahil hindi naman umano lasing ang biktima nang mangyari ang insidente