Nasa 28 Pilipino na naapektuhan ng aksidente ng bus sa Bavaria, Germany ang nasa Milan, Italy na o patungo na sa lungsod, ayon sa Philippine Consulate General sa Frankfurt.

Tatlo pang Pilipino ang nananatili sa mga ospital sa Bavaria para sa patuloy na pagpapagamot.

Patuloy namang nasa lugar ang pangkat ng Philippine Consulate, Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration upang makipag-ugnayan sa mga Pilipino, kanilang pamilya at mga awtoridad ng Germany.

Noong Martes, pitong Pilipinong pinayagang bumiyahe matapos ma-clear sa kanilang kalagayan ang nakabalik na sa Milan sakay ng sasakyang inilaan ng OWWA.

Nakipag-ugnayan din ang mga opisyal ng Pilipinas sa pulisya ng Germany upang matiyak ang masusing imbestigasyon sa aksidente at nakipag-ugnayan sa mga abogado para sa posibleng tulong legal sa mga naapektuhan.

-- ADVERTISEMENT --

Naunang naiulat na dalawang Pilipino ang nasawi at walo ang malubhang nasugatan nang tumaob ang bus na lulan ng mga turistang patungo sa Oktoberfest sa Munich.