Ibinunyag ni Mayor Miguel Decena ng Enrile, Cagayan na mayroon na silang nadiskubreng tatlong ghost flood control projects sa kanilang bayan.
Sa kanyang mensahe sa inilunsad na GUROlympics ng Local Government Unit (LGU) Enrile, sinabi ni Decena na nakipagpulong na ito sa Independent Commission for Infrastracture (ICI) upang imbestigahan ang mga ito.
Kasama rin sa mga iimbestigahan ay ang mga imprastraktura sa Alibago Elementary School at Lemu National High School kung saan hindi ito tinanggap ng mga punong-guro ng mga nasabing paaralan.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Decena ang mga guro at Enrileño na maging mulat sa mga korapsiyon sa kanilang paligid lalo na’t talamak ito hindi lamang sa Department of Public Works and Highways, kundi maging sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, at Department of Agriculture.