Tuguegarao City- Boluntaryong nagbalik loob sa hanay ng 86th Infantry Battalion ang tatlong miyembro ng militia ng bayan sa Brgy. Sangbay, Nagtipunan, Quirino.
Sinabi ni MAJ Jekyll Julian Dulawan ng 5th Infantry Division, Philippine Army, nahikayat na sumoko ang tatlo dahil sa patuloy na “community support program” na ginagawa ng kasundaluhan.
Aniya, naisipan nilang sumuko dahil sa hirap na naranasan ng malihis ng landas sa pag-anib bilang miyembro ng mga makakaliwang grupo.
Sinabi ni Dulawan na ang tatlo ay kabilang sa miyembro ng Komiting Larangang Guerrilla Quirino-Nueva Vizcaya.
Ipinasiguro naman ng opisyal na tutulungan nila ang mga sumukong militia ng bayan na makakuha ng tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng kanilang mandato na wakasan ang banta ng insurhensiya sa bansa.