Ipinunto ni Senator Panfilo Lacson na hindi umano itinanggi ni Senator Rodante Marcoleta ang isang handwritten note na nagsasaad ng umano’y kahilingang ₱500 milyon na “allocable funds” noong siya ay kongresista pa.

Ayon kay Lacson, chair ng Senate Blue Ribbon Committee, lumilitaw sa dokumento na may hinihiling na pondo mula sa Department of Public Works and Highways na nakalaan para sa mga proyekto sa distrito.

Giit ni Lacson, mahalaga ang pagtanggi o pagkontra sa naturang sulat, ngunit hindi umano ito ginawa ni Marcoleta.

Sinabi naman ng Senate panel na isasama ang mga dokumento sa isusumiteng ulat sa Office of the Ombudsman, ngunit sa ngayon ay hindi pa ire-rekomenda si Marcoleta para sa imbestigasyon.

Samantala, tumugon si Marcoleta sa pamamagitan ng privilege speech at kinuwestiyon ang naging pahayag ni Lacson.

-- ADVERTISEMENT --