Patay ang dalawang pulis at isang tauhan ng Bureau of Corrections matapos ang pamamaril sa Puerto Princesa City, Palawan noong Biyernes.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang insidente sa isang komprontasyon sa isang burol matapos umanong masuntok ang isa sa mga pulis. Umalis muna ang naturang pulis ngunit bumalik kasama ang iba pang kasama, kabilang ang dalawa pang biktima.

Kinondena ng Puerto Princesa City Police Office ang insidente at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang mga suspek na nananatiling nakatakas.