Laking gulat ng mga kaanak ng isang mangingisda ang pagpapakamatay nito sa pamamagitan ng pagbibigti nang dahil sa pag-iwan sa kanya ng kanyang kinakasama sa bayan ng Sta Ana, Cagayan.
Ayon kay PCAPT Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP-Sta Ana, ilang araw pa lamang na umalis sa bahay ang kinakasama ng 30-anyos na biktima na residente ng Palaui island ng Brgy San Vicente ay napansin na ng mga kaanak nito ang madalas nitong paglalasing hanggang sa kamakalawa ay nakita pa itong kausap ang kanyang live in partner sa videocall na mula sa bayan ng Gonzaga bago siya nakita ng kaniyang kapatid na nakabigti sa trusses ng kanyang bahay.
Sa katunayan, nagpaalam pa umano ang biktima na susundan nito ang kanyang kinakasama kung saan ibinibigay pa nito sa kanyang kapatid ang natitira niyang bigas.
Nabatid na umalis ang kanyang live in partner bilang liksyon sa madalas na paglalasing ng biktima ngunit nakakapagusap naman umano sila sa videocall.
Sinabi ni Gabatin na posibleng nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa sa huli nilang paguusap kaya nagpasya ang biktima na magpakamatay.