
Nakatanggap ng bomb threats ang nasa 300 paaralan sa Italy nitong Miyerkules na nagresulta sa paglikas ng mga estudyante at guro bilang pag-iingat.
Kabilang sa mga lungsod na nakatanggap ng pagbabanta ang Rome, Naples, Vicenza, Florence, Pisa at Trieste.
Ayon kay Education Minister Giuseppe Valditara, posibleng cyberattack lamang ang insidente at walang tunay na banta sa seguridad.
Sinabi rin ni Prime Minister Giorgia Meloni na wala pang nakikitang ebidensiya ng aktuwal na panganib matapos ang paunang pagsusuri ng mga awtoridad.
Mabilis ding inalis ang alarma sa ilang paaralan at pinayagan nang makabalik sa klase ang mga estudyante.
Samantala, nakatanggap din ng kahalintulad na mga banta ang mahigit 300 paaralan sa Northern Ireland at ilang paaralan sa Scotland.










