
Hindi bababa sa 33 katao ang nasawi habang 39 ang sugatan sa airstrikes na tumama sa isang nayon malapit sa Sanaa, kabisera ng Yemen, nitong Sabado.
Ayon sa health ministry na pinamamahalaan ng Houthi group, Saudi Arabia ang nasa likod ng pag-atake na tumama sa mga kabahayan sa Bani Hushaysh. Karamihan umano sa mga nasawi ay mga babae at bata.
Hindi pa malayang nabeberipika ang ulat, habang sinabi naman ng Saudi Arabia na iniimbestigahan nito ang insidente.
Nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng Saudi Arabia at Houthis matapos mabasag ang tigil-putukan na namagitan sa dalawang panig noong 2022. Umabot na rin sa mahigit 200,000 katao ang napilitang lumikas mula nang muling sumiklab ang bakbakan.










