Kinumpirma ng Israeli military na nagsagawa ito ng airstrike laban sa isang senior commander ng military wing ng Hamas sa Khan Younis, southern Gaza, nitong Linggo.

Ayon sa mga source mula sa Hamas, nasawi sa naturang pag-atake si Samir Abu Younis, na namumuno sa Rafah Brigade ng armadong pakpak ng grupo.

Kinumpirma rin ng mga medical personnel ang pagkamatay ni Abu Younis at pagkakasugat ng iba pang indibidwal matapos tamaan ng airstrike ang isang kalsada sa Mawasi area ng Khan Younis.

Bagama’t nagkaroon ng tigil-putukan noong Oktubre 2025 na nagpahinto sa malawakang labanan, nagpapatuloy pa rin ang mga pag-atake ng Israel at hindi pa rin nareresolba ang usapin sa pag-aalis ng armas ng Hamas.

Batay sa datos ng mga awtoridad pangkalusugan sa Gaza, hindi bababa sa 1,600 Palestinian ang nasawi mula nang magkabisa ang tigil-putukan, habang lima namang sundalong Israeli ang napatay sa parehong panahon.

-- ADVERTISEMENT --