Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nasawi na ang apat na indibidwal na nakaengkwentro ng pulisya matapos ang ilegal na pagpapaputok ng mga baril sa Brgy. San Juan Baño, Arayat, Pampanga nitong June 27.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Allen Rae Co, napagalaman ng pulisya na ang isa sa mga suspek na may alyas na “Ka Arlet” ay isang lider ng gun for hire na sangkot sa mga pagpatay sa mga pulitiko sa lugar.

Habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng tatlong iba pang mga suspek, lalo na kung sila ay parte ng iisang grupo.

Nabatid na nagsimula ang nasabing engkwentro matapos makatanggap ng reklamo ang mga awtoridad patungkol sa sunud-sunod na putok ng baril na umalingawngaw sa lugar.

At nang puntahan ng mga awtoridad ang lugar para kausapin ang mga suspek ay nagpaputok ang mga nasabing suspek sa mga awtoridad na nagresulta sa kanilang pagkakasugat na naidala pa naman agad sa ospital ngunit binawian na rin ng buhay .

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, dagdag pa ni Co, dahil sa nasabing pagkakahuli sa mga ito ay masasabing mas ligtas na ang nasabing bayan.