Nanumpa na ang anim na bagong opisyal ng Department of Justice sa pangunguna ni Justice Secretary Fredderick A. Vida sa DOJ Main Office.

Kabilang sa mga nanumpa sina Undersecretary Majken Anika S. Gran-Ong, Assistant Secretary Maria Charina V. Buena-Dy Po, Assistant Secretary Jose Marino C. Bernardez, at Assistant Secretary Maria Elisa B. Germar.

Kasama ring nanumpa sina Director IV Leonyda V. Angostora para sa Administrative Service at Director IV Emmanuel Lowell A. Pandaan para sa Financial Service.

Ayon kay Secretary Vida, kasabay ng pagtatalaga sa anim na bagong opisyal ay patuloy na palalakasin ng DOJ ang mga hakbang upang maisulong ang rule of law at matiyak ang episyente at tapat na paghahatid ng serbisyo sa publiko.