
Lumabas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na 61% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi pinapahalagahan ng mga halal na opisyal ang pananaw ng publiko.
Tanging 31% ang naniniwalang pinahahalagahan ito, habang ang iba ay hindi tiyak.
Sa hanay ng Classes A, B, at C, 61% ang nagsabing hindi pinapahalagahan ang kanilang pananaw, 28% ang nagsabing oo, at 11% ang undecided.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 3 hanggang 11, 2025 sa 1,200 adult Filipino na may margin of error itong ±3%.










