Bumaba sa 42% ng mga pamilyang Pilipino na nagsabing sila ay mahirap, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Gayundin, 35% na lang ang nagsabing sila’y food-poor o kapos sa pagkain, na mas mababa kumpara sa 49% noong nakaraang quarter.

Gayunpaman, nananatiling mataas ang self-rated poverty sa Mindanao (61%) at Visayas (60%).

Sa Class E naman o pinakamahirap na sektor ng lipunan, halos 7 sa bawat 10 ang itinuturing ang sarili nilang mahirap.

Ayon sa OCTA, bagama’t may pagbuti, kailangan pa ring tutukan ang mga rehiyon at sektor na nananatiling pinakaapektado.

-- ADVERTISEMENT --