Kulong ang pitong indibidwal matapos mahuli sa aktong nagsusugal ng “bet game” sa isang bahay sa bayan ng Iguig, Cagayan, Martes ng hapon.

Nakumpiska mula sa apat na lalaki at tatlong babae na pawang nasa tamang edad at residente sa Barangay Redondo ang mahigit isang libong bet money at isang set ng playing cards.

Ayon kay PSSG Dexter Peralta ng PNP Iguig, bukod sa ipinagbabawal na droga, mahigpit din nilang tinututukan ang pagsugpo sa ilegal na sugal.

Nanawagan din si Peralta sa mga residente na agad ipagbigay alam sa pulisya ang mga ganitong ilegal na gawain.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Illegal Gambling Law ang mga suspek na nakatakdang isailalim sa inquest proceeding, bukas.

-- ADVERTISEMENT --