Natagpuan ang isang 8,000 taong gulang na perlas ng mga archaeologists sa Abu Dhabi na itinuturimh na pinakamatanda sa buong mundo.

Batay sa pagsasaliksik ng mga otoridad, isa umanong palatandaan ang nakuhang perlas na kahit noon pang panhon ng bato ay marunong nang magkalakal ang mga sinaunang tao.

Natagpuan ang perlas sa Marawah Island kung saan matatagpuan din ang ilan sa mga pinakaunang arkitektura sa United Arab Emirates.

Ang binansagang “Abu Dhabi Pearl” ay isasapubliko sa isang sikat na museo sa Paris.

Pinaniniwalaang ginamit ang perlas sa pakikipagkalakalan sa Mesopotamia na ngayo’y Iraq.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito ay nabuhay ang Abu Dhabi sa pagbebenta ng perlas bago bumagsak ang industriya nito noong 1930s at tuluyan nang umasa ang ekonomiya ng lugar sa langis.