Dumaong sa Basco Port sa Batanes ang luxury expedition cruise ship na SH Minerva nitong Mayo 12 bilang bahagi ng maiden voyage nito sa Pilipinas bago tumuloy sa Japan.

Sakay ng barko ang 42 dayuhang turista, karamihan ay mga European at German national, na nagsagawa ng day tour sa mga isla ng Batan at Sabtang.

Sa kanilang pagbisita, nakapagbigay ito ng dagdag kabuhayan sa mga local tour guide, van drivers, at cogon tricycle drivers na tumulong sa pag-asikaso sa mga turista.

Bilang bahagi ng pagtanggap sa mga bisita, nagtanghal din ang BNSHS Dance Company upang ipakita ang kultura at hospitality ng mga Ivatan.

Ayon sa Provincial Government of Batanes, inaasahan pang madaragdagan ang mga cruise expedition na bibisita sa lalawigan sa mga susunod na buwan bilang bahagi ng pagpapalakas ng turismo sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, kabilang naman sa kabuuang 113 crew members ng barko ang 83 Pilipino.