Nagpahayag ng pasasalamat ang content creator and entrepreneur na si Rosemar Tan sa kanyang asawang si Jerome Pamulaklakin, matapos itong sumailalim sa vasectomy.

Ayon kay Rosmar, hindi lahat ng lalaki ay kayang gawin iyon at ang naging desisyon ni Jerome ay nagbigay sa kanya ng isa pang dahilan upang pahalagahan ito bilang kanyang asawa.

Pinuri naman ng ilang netizens si Jerome sa paggawa ng malaking hakbang sa kanilang family planning, kung saan ang ilan ay nagpahayag ng pagpapahalaga sa mga lalaking nagpapasyang sumailalim sa vasectomy.

Kasalukuyang mayroong tatlong anak ang dalawa habang matatandaan na ibinahagi ng content creator na nakaranas siya ng miscarriage habang ipinagbubuntis ang kanilang pang-apat na anak.