
Mariing ipinunto ni Senadora Imee Marcos na walang kapangyarihan ang Kongreso na magtakda ng termino ng mga national at local officials.
Ito ang naging pahayag ng senadora kasunod ng naging pagsasabatas sa RA 12326 na siyang nagtatakda na gawing limang taon ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan officials.
Sa ilalim nito, imbis na sa darating na Nobyembre na sana ang BSKE ay inilipat ito sa kaparehong buwan sa 2028.
Iginiit naman ng senadora na hanggang sa barangay at SK lang ang sakop ng kapangyarihan ng mga ito.
Samantala, nagbabala siya na hindi imposibleng magkaroon ng ‘No-el’ o ‘No election’ sa 2028 national election.
Anya, kung titignan ang mga nangyari nitong mga nakalipas na araw, mapapansin umano na kapag nakasagabal ang batas sa gusto ng administrasyon ay binabaluktot ito.
Kung maaalala, nitong Mayo, tinanong na rin si Pangulong Bongbong Marcos sa naging pahayag na noon ni Senator Imee hinggil sa isang ‘no-el’ scenario, at ang tanging sagot lang niya ay napangisi lamang at hindi na pumatol sa alagesyon ng kaniyang kapatid.




