Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda matapos mawalan ng propeller ang kanilang bangkang pangisda at maanod sa karagatan ng Ballesteros, Cagayan ngayong Lunes, Oktubre 19, 2026.
Ayon sa PCG, nagkaroon ng problema sa propeller ng fishing banca na FBCA TINTIN dahilan upang maanod ito at mangailangan ng agarang pagsagip.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Cagayan at matagumpay na nailigtas ang tatlong mangingisda, na pawang residente ng Barangay Maura, Aparri, Cagayan.
Ligtas ding nahila ang nasirang bangka patungo sa Dappa Wharf sa Barangay Centro 15, Aparri.
Kinumpirma ng PCG na nasa maayos na pisikal na kalagayan ang tatlong mangingisda matapos ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --










