Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG para sa walong pasaherong nawawala matapos ang insidente sa MV June Aster sa Coron, Palawan.

Isinasagawa ang paghahanap sa paligid ng Calanhayaun Island sa Barangay Tara, gamit ang mga barko, rubber boats at high-speed rescue boat ng PCG.

Gumagamit din ang mga awtoridad ng drones para sa aerial surveillance, habang nagsasagawa ng maritime patrols at shoreline monitoring sa lugar.

Samantala, sinabi ng PCG na walang nakitang oil sheen sa karagatang sakop ng search area.

Umabot na sa 77 ang kumpirmadong nasawi, habang 43 ang nakaligtas sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na naganap sa MV June Aster noong Setyembre 9.