Umaasa si outgoing Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na maipagpapatuloy ang mga reporma sa Bulacan 1st District Engineering Office sa ilalim ng bagong pamunuan nito kasunod nang sibakin sa puwesto si Henry Alcantara.

Ipinakilala ni Dizon si Engr. Kenneth Edward T. Fernando bilang humalili kay Alcantara, na inilarawan niyang isa sa mga pinakabatang engineer sa ahensya.

Unti-unti umanong naiaayos ni Fernando ang pamamalakad sa tanggapan, pero marami pa ring kailangang gawin gayong wala pa itong isang taon sa puwesto.

Naniniwala si Dizon na ang mga batang engineer sa DPWH ang nakikita niyang pag-asa ng ahensya sa pagsusulong ng mga reporma.

Umaasa rin siyang susuportahan ni incoming DPWH Secretary Banoy Lopez ang mga pagbabagong sinimulan sa Bulacan 1st District Engineering Office.

-- ADVERTISEMENT --

Buo ang kanyang tiwala sa bagong pamunuan at sa mga batang opisyal na patuloy na nagsisikap na ayusin ang sistema sa ahensya.