
Hindi bababa sa sampung katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train sa rutang nag-uugnay sa Madrid at rehiyon ng Andalusia sa katimugang bahagi ng Spain.
Ayon sa rail operator na Adif, sinuspinde ang biyahe ng mga tren sa naturang linya kasunod ng banggaan sa pagitan ng dalawang tren na pagmamay-ari ng Renfe at Iryo.
Batay sa paunang ulat, naganap ang insidente makalipas ang alas-nuwebe ng umaga, kung saan nadiskaril ang dalawang bagon ng isang tren.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente at ang kabuuang bilang ng mga nasugatan.
Nagdulot ng pangamba ang insidente dahil siyam na buwan lamang ang nakalipas nang 46 katao ang nasawi sa isa pang banggaan ng mga high-speed train sa parehong linya.
-- ADVERTISEMENT --





