
Mula sa pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa score na 136-129 sa Portland Trail Blazers, agad na nakabawi ang Lakers matapos dominahin ang laro sa Los Angeles Clippers, sa score na 103-87.
Sa kabila ng pagkawala ni Luka Doncic, ipinakita ng Lakers ang kanilang galing ng kanilang mga roster players sa pangunguna nina Quentin Grimes at Collin Sexton upang makuha ang ikaapat na panalo sa limang laro ngayong season at maitala ang 4-1 standing.
Nanguna si Grimes para sa Lakers sa naitalang 23 points, habang nagdagdag naman si Sexton mula sa bench sa pamamagitan ng season-high na 21 puntos. Nagdagdag si Austin Reaves ng 16 puntos at si Matisse Thybulle ng 15 puntos, kabilang ang tig-apat na three-point shot nina Sexton at Thybulle.
Maagang nagpakita ng magandang laro ang Lakers at nagtapos sa unang quarter na may 25 points laban sa 22 points ng Clippers.
Lalo pang lumaki ang kalamangan ng Lakers sa ikalawang quarter matapos dominahin ang kanilang kalaban, 31-16, nagtapos ang firts half na may kalamangan ang Lakers ng 18, sa score na 56-38.
Susunod na haharapin ng Lakers ang Golden State Warriors sa Biyernes para sa pagsisimula ng kanilang group-stage campaign sa NBA.





