Nakaantabay na ang pitong miyembro ng medical team ng Tuguegarao City Health Office sa Pengue Public Cemetery ngayong Undas upang magbigay ng basic health services, kabilang ang blood pressure monitoring at first aid.

Tiniyak ni Erlynne Tabarrejo, Senior Nurse ng City Health Office na sapat ang kanilang gamot at medical supplies, at may nakahandang sasakyan para sa mga pasyenteng mangangailangan ng transportasyon sa pagamutan.

Pinayuhan naman ang publiko na magdala ng payong, ekstrang damit at inuming tubig, mag-ingat sa madudulas na bahagi ng sementeryo at panatilihing malinis ang paligid.

Mananatili ang medical team hanggang Nobyembre 2 at maaari ring tumawag sa Bayanihan Hotline sa 0936-888-1902 para sa agarang tulong.