Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng regional directors at mga pinuno ng police offices at units na magsumite ng updated inventory ng mga sasakyang nasamsam o narekober sa kanilang mga operasyon.

Kasunod ito ng mga ulat na ginagamit umano ng ilang pulis sa personal na pangangailangan ang mga sasakyang nasa kanilang kustodiya.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., hanggang November 2 ang ibinigay na palugit sa mga regional directors at police unit heads upang isumite ang kumpletong imbentaryo ng mga naturang sasakyan.

Tiniyak naman ni Nartatez na iimbestigahan ng PNP ang mga naiulat na iregularidad at pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa hindi otorisadong paggamit ng mga nakumpiskang sasakyan.

Posible ring maharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga pulis na mapatutunayang lumabag sa umiiral na mga patakaran.

-- ADVERTISEMENT --