Inaasahang iaanunsiyo sa lalong madaling panahon ang pagpupulong ng mga lider ng Quadrilateral Security Dialogue o Quad sa Maynila, ayon kay US Secretary of State Marco Rubio.

Ginawa ni Rubio ang pahayag nitong Sabado matapos makipagpulong sa kaniyang mga katapat mula sa Japan, Australia at India sa Atlanta.

Sinabi ni Rubio na umaasa siyang malapit nang maipahayag ang detalye ng naturang pagpupulong na gaganapin sa Pilipinas.

Binubuo ang Quad ng United States, Japan, Australia at India, na nagtutulungan sa mga usaping panrehiyong seguridad at kooperasyon sa Indo-Pacific.