
Nakatakdang harapin ni Filipino tennis star Alex Eala ang American player na si Alycia Parks sa unang round ng Hong Kong Tennis Open ngayong Nobyembre 2, 2026 (Lunes).
Magsisimula ang laro sa ganap na alas-2 ng hapon, oras sa Pilipinas, sa Victoria Park Tennis Stadium sa Hong Kong.
Nakatakda si Eala bilang second seed sa WTA 250 tournament at kasalukuyang nasa ika-19 na puwesto sa world rankings.
Ikatlong beses nang magkakaharap sina Eala at Parks, na may tig-isang panalo sa kanilang unang dalawang pagtatagpo.
Tinalo ni Parks si Eala sa Australian Open noong Enero, ngunit gumanti ang Pinay tennis star sa Canadian Open noong Agosto.
Ang magwawagi sa kanilang laban ay uusad sa susunod na round upang harapin ang mananalo sa pagitan nina Tereza Valentova ng Czech Republic at Sun Xinran ng China.










