Umakyat sa panibagong career-high record na no. 17 ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa bagong WTA Tour rankings na inilabas nitong Lunes, Nobyembre 2.

Naalpasan ng Filipina pride ang kaniyang nakaraang career-best ranking na world no. 18 na nasungkit niya nitong Agosto.

Sa panibagong talaan ng women’s singles, napapagitnaan si Eala ni world no. 16 Naomi Osaka at no. 18 Leylah Fernandez.

Nakatakda namang humarap ang nasabing Filipina tennis star kay American bet Alycia Parks sa darating na Martes, Nobyembre 3, para sa kaniyang kampanya sa Hong Kong Open.