
Sasalubong sa unang lingo ng Nobiyembre ang malakihang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa datus na inilabas ng Department of Energy (DOE), tataas ang presyo ng gasolina ng hanggang P3.50 kada litro.
Inaasahan namang bababa ang presyo ng diesel ng hanggang P1.00 kada litro habang ang kerosene ay magkakaroon din ng rollback na aabot sa P1.90.
Kadalasang ipinapatupad ang price adjustment tuwing araw ng Martes.
Samantala, kapag tuluyan nang naipatupad ang price adjustment, narito ang magiging average price ng mga produktong petrolyo, pangunahin na sa National Capital Region:
-- ADVERTISEMENT --
Diesel: P93.46 – P94.46 per liter
Gasoline: P87.27 – P91.27 per liter
Kerosene: P120.75 – P125.75 per liter










