
Pipili na ngayong linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema na papalit kay Chief Justice Alexander Gesmundo, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na may kanya-kanyang kakayahan at integridad ang lahat ng nominado kaya hindi muna nila pangungunahan ang magiging desisyon ng Pangulo.
Noong Oktubre, isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Marcos ang shortlist ng limang kandidato para sa posisyon. Kabilang dito sina Associate Justices Alfredo Benjamin Caguioa, Japar Dimaampao, Midas Marquez at Rodil Zalameda, gayundin si Senior Associate Justice Marvic Leonen.
Samantala, nagsumite rin ang JBC ng listahan ng mga nominado para sa bakanteng posisyon ng associate justice sa Korte Suprema. Kabilang sa mga ito ang ilang mahistrado ng Court of Appeals, Solicitor General Darlene Marie Berberabe, Commission on Audit Chairperson Gamaliel Cordoba at Commission on Elections Commissioner Ernesto Maceda Jr.










