Tangkang makamit ni Filipina tennis star Alex Eala ang unang panalo laban kay Tereza Valentova ng Czech Republic sa kanilang paghaharap sa second round ng Hong Kong Tennis Open.

Umabante si Eala matapos talunin ang lucky loser na si Emerson Jones ng Australia sa iskor na 6-4, 6-3 nitong Martes ng gabi.

Dalawang beses nang natalo si Eala kay Valentova, una sa Osaka noong 2025 sa iskor na 6-1, 6-3, at muli sa Doha ngayong taon sa 7-6, 6-1.

Aminado si Eala na mahirap na hamon ang kaniyang susunod na laban, ngunit tiniyak niyang paghahandaan ito at lalaban nang buong lakas.

Sinabi rin niyang maayos ang kaniyang pakiramdam sa kabila ng tape sa kaliwang tuhod na ginamit niya sa nakaraang laban.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Hong Kong Open ang huling torneo ni Eala ngayong 2026.

Naging makasaysayan ang kaniyang taon matapos makuha ang kauna-unahang WTA Tour championship at umangat sa ika-17 puwesto sa world rankings.