Nagbitiw sa puwesto si Paraguayan President Santiago Peña nitong Huwebes kasunod ng lumalakas na panawagan para sa kaniyang pagpapatalsik kaugnay ng pagbagsak ng digital lender na ueno, na nag-iwan sa milyon-milyong kliyente na hindi ma-access ang kanilang mga account.

Nagbitiw si Peña habang naghahanda ang oposisyon na simulan ang proseso ng impeachment laban sa kaniya at patuloy ang mga kilos-protesta na humihiling ng kaniyang pagbibitiw.

Nawalan din siya ng suporta mula sa ilang miyembro ng sarili niyang partido.

Ayon kay Peña, ginawa niya ang hakbang para mapangalagaan ang katatagan ng bansa, kapayapaan sa lipunan at mga demokratikong institusyon.

Nais din niyang matiyak ang pagbabalik ng mga pondong naka-deposito sa bangko at maprotektahan ang pera ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa tatlong milyong kliyente ng ueno ang naapektuhan ng krisis matapos mamagitan ang central bank ng Paraguay nang matuklasang hindi na natutugunan ng kompanya ang minimum solvency requirements.

Nakatakdang humalili kay Peña si Vice President Pedro Alliana.