Dumistansiya ang Malacañang sa kontrobersiya sa umano’y personal staff na umaasikaso kay dating House Speaker Martin Romualdez habang nakakulong sa Quezon City Jail.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangan munang imbestigahan kung bakit mayroong staff na nakabantay sa kaniya at kung nagkakaroon ito ng special treatment.

Hinimok din ni Castro ang publiko na huwag munang magpalagay habang hindi pa malinaw ang buong sitwasyon.