Isinusulong ng Department of Energy (DOE) ang pagbuo ng Energy Efficiency and Conservation Plans (EECPs) para sa walong ahensya sa ilalim ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee (IAEECC).

Nakatuon ang hakbang na ito sa pagtatasa ng konsumo ng kuryente at pagtatakda ng mga konkretong target sa pagtitipid ng enerhiya.

Layunin din nitong palakasin ang mga estratehiya at hakbang para sa mas episyenteng operasyon ng bawat ahensya.

Kasama sa binibigyang-diin ang paggamit ng mga napapanatiling sistema at teknolohiya upang mapababa ang gastusin sa pampublikong pondo.

Bahagi ito ng pagsuporta sa Energy Efficiency and Conservation Act at Government Energy Management Program (GEMP) upang manguna ang pamahalaan sa responsableng paggamit ng enerhiya.

-- ADVERTISEMENT --